Ngunit Wala Akong Litrato Noong Nasa Kolehiyo Ako - SANAYSAY
Pamagat ng Sanaysay: Ngunit Wala Akong Litrato Noong Nasa Kolehiyo Ako May-Akda: Reuel Aguila Taon ng Paglathala: 2009 Buod: Hindi tulad ngayon, madali na nating kuhaan ng mga larawan o retrato ang bawat pangyayari sa ating buhay. Hindi tulad noon, tila mayayaman lamang ang may kakayahang mag-may-ari ng kamera. Isang araw, ang manunulat, dahil bakasyon, may nag-uudyok sa kanya para linisin ang kanyang mga files. Doo’y nagsimula siya halungkatin lahat ng kanyang gamit. Doon niya napagtanto na wala siyang larawan noong siya’y nasa kolehiyo kundi ang kanyang ID lamang. Dahil bukod sa mahal ang pagkuha ng larawan noon ay ito rin ang panahon kung saan naganap ang Martial Law. Noo’y kinaiinisan niya ang mga aktibista, ang mga lumalaban sa pamahalaan hanggang sa dumating yung araw na nasaksihan niya gamit ang kanyang dalawang mata ang katotohanan. Nang ipagkait sa bawat mamamayang Pilipino ang kanilang karapatan. Naging isa siyang aktibista. Wal...