ANG PAMANA- PAGSUSURI

 


  1. Pamagat 

ANG PAMANA

  1. May-Akda: Jose Corazon de Jesus

  2. Hawig ng Saknong:

     Ang tula’y patungkol sa maagang pagbibigay ng isang ina ng pamana sa kanyang mga anak. Subalit ang bunsong anak ay tila hindi natuwa, hindi dahil sa kung anuman ang para sa kanya, kundi dahil tila nagpapaalam na ang ina. Kung paano inihahanda ng ina ang mga anak. At kung paanong walang silbi ang mga pamana o bagay na iyon sa mga anak dahil mas mahalaga sa kanila ay ang kanilang pinakamamahal na ina.

    

  1. Teoryang Nakapaloob:

  1. REALISMO-  Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat.

  • “Baka ako ay tawagin ni Bathala, ang mabuti’y malaman mo ang habilin…”

PALIWANAG: Lahat tayo’y mawawala. Lahat tayo’y iisa ang patutunguhan. 

  1. HUMANISMO- ng layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.

  • Binigyang-tuon sa tula ang tapang ng ina sa pagharap ng kamatayan; ganoon rin ang labis na pagmamahal ng anak sa ina.

  1. ROMANTISISMO - Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakihan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

  • Inilarawan sa tula ang pagmamahal ng ina sa kanyang anak at ang pagmamahal ng anak sa ina. 


  1. Paksang Diwa

   Tinalakay sa tula ang kaugaliang pagbibigay ng mana ng mga magulang sa kanilang anak bago nila lisanin ang mundo. Pagpapakita rin ng halaga ng isang ina sa buhay ng mga anak, halagang di kayang tumbasan ng anumang materyal na bagay.


  1. Istilo at Pagkamasining

    Tradisyunal ang istilong ginamit ng may-akda. Ito’y may sukat na lalabing-animin at tugmang karaniwan.  


  1. Pagpapahalaga ayon sa Nilalaman

  1. Kahalagahang Sosyal at Pangkabuhayan

 Ang persona sa tula ay masasabing may normal na pamumuhay. May mga ari-aring paghahatian ang mga ito galing sa kanilang ina. 


  1. Kulturang Filipino

  1. Pagbibigay ng mana sa mga anak- Kaugalian ng mga Pilipino, lalong-lalo na ang mga magulang na magbigay ng karampatang mana o huling habilin sa kanilang mga anak bago pa sila lumisan.

  2. Pagmamahal sa mga magulang- Maituturing na labis ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa kani-kanilang magulang. Hindi nila hinahayaang iba ang mag-alaga sa kanilang tumatandang magulang. 


  1. Simbolismong Pilipino

INA- Simbolo ng ilaw ng tahanan. Walang makatutumbas sa taglay nitong liwanag para sa kanyang pamilya. 


  1. Kahalagahang Pangkatauhan

  1. Mahalin ang mga ina higit pa sa mga materyal na bagay na kaya nilang ibigay. Walang makatutumbas sa pagmamahal na kayang ibigay ng ina sa kanyang mga anak. Ganoon rin sana ang mga anak. Pahalagahan sila habang nabubuhay pa. Malaking kawalan kapag sila’y wala na.

  2. Huwag hintayin ang mana, suklian muna ang sarkripisyong inalay nila. Huwag atat na makuha ang materyal na bagay na iiwan nila. Hangga’t maaari ay huwag sayangin ang bawat oras kasama sila. Suklian ang mga paghihirap at sakripisyo nila para sayo. Sapagkat gaano man kalaki o karami ang iyong mamamana ay magiging walang halaga kapag sila’y nawala. 



  1. Paraan ng Pagkakasulat

  Ito ay tulang pasalaysay. Isinasalaysay ang kwento ng isang ina at anak sa pamamagitan ng tula. Payak ang mga salitang ginamit. Gumamit rin ng tayutay.


  1. Pangkalahatang Puna at Mungkahi

       Hindi man ganoon kaakit-akit, para sa akin ang pamagat ay nakadudurog ng puso ang nilalaman. Mahusay sa paglalarawan at maging ang tono ng tula. Napakasensitibo ng ganitong mga paksa lalong-lalo na ay tungkol sa ina subalit nabigyang hustisya ng may-akda. Napakahusay ng akda kung kaya’t di na kailangang iwasto pa.


Comments

Popular posts from this blog

GENERAL EDUCATION - TEST DRILL

FREE PROF ED LET REVIEWER