GEN ED- FILIPINO DRILL WITH KEY ANSWERS
FILIPINO PROF ED FREE REVIEWER ACTUAL BOARD EXAMINATION QUESTIONS CBRC CURRICULUM DEVELOPMENT 1) Ano ang naging pangalan ng wikang pambansa noong 1959? a. Pilipino b. Filipino c. Tagalog d. Wikang Pambansa 2) Isang awiting bayan na ginamit sa pagpapatulog ng bata ay ang ________. a. Diona b. Oyayi c. Soliranin d. Umbay 3) Ang "Maupay na Aga!" ng mga taga Samar ay halimbawa ng anong antas ng wika? a. kolokyal b. pambansa c. balbal d. lalawiganin 4) Ang "Hindi po namin kayo tatantanan" at "Dahil hindi natutulog ang balita 24 oras" ay ang mga tanyag na pahayag ni Mike Enriques sa telebisyon. Sa anoong barayti ng wika ito nauuri? a. Jargon b. Dayalekto c. Sosyolek d. Idyolek 5) Ang kwento hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban at kalipunan ng iba't-ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa ay ________. a. pabula b. parabula c. mitolohiya d. anekdota 6) Isang mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na may pambihirang katangian...