GEN ED- FILIPINO DRILL WITH KEY ANSWERS
FILIPINO
ACTUAL BOARD EXAMINATION QUESTIONS
1) Ano ang naging pangalan ng wikang pambansa noong 1959?
a. Pilipinob. Filipino
c. Tagalog
d. Wikang Pambansa
2) Isang awiting bayan na ginamit sa pagpapatulog ng bata ay ang ________.
a. Diona
b. Oyayi
c. Soliranin
d. Umbay
3) Ang "Maupay na Aga!" ng mga taga Samar ay halimbawa ng anong antas ng wika?
a. kolokyal
b. pambansa
c. balbal
d. lalawiganin
4) Ang "Hindi po namin kayo tatantanan" at "Dahil hindi natutulog ang balita 24 oras" ay ang mga tanyag na pahayag ni Mike Enriques sa telebisyon. Sa anoong barayti ng wika ito nauuri?
a. Jargon
b. Dayalekto
c. Sosyolek
d. Idyolek
5) Ang kwento hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban at kalipunan ng iba't-ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa ay ________.
a. pabula
b. parabula
c. mitolohiya
d. anekdota
6) Isang mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na may pambihirang katangian ay ang ________.
a. epiko
b. pabula
c. parabula
d. dalit
7) Alin sa apat na uri ng akdang pampanitikan na patula ay tungkol sa pangangatwiran at tagisan ng talino?
a. tulang pasalaysay
b. tulang patnigan
c. tulang padula
d. tulang liriko
8) "Ikaw ang aking mahal." Ibigay ang ayos ng pangungusap na ito.
a. payak
b. tambalan
c. karaniwan
d. di-karaniwan
9) Alin sa mga sumusunod ay HINDI tulang pasalaysay?
a. Moro-moro
b. Epiko
c. Awit
d. Korido
10) Alin sa mga tula sa ibaba ang isang tulang liriko?
a. Panunuluyan
b. Duplo
c. Pastoral
d. Balagtasan
11) Isang tulang maromansa na kung saan nakaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan at hango sa tunay na buhay ay ________.
a. oda
b. awit
c. soneto
d. elehiya
12) Alin sa mga sumusunod ang HINDI epiko ng Bisaya?
a. Lagda
b. Maragtas
c. Bidasari
d. Hinilawod
13) Ang tinaguriang pinakasikat na epiko ng mga Ilokano ay ang ________.
a. Ibalon at Aslon
b. Bantugan
c. Hinilawod
d. Biag ni Lam-ang
14) Ito ay isang epiko na tungkol sa mga bathalang Ifugao ni Punholdayan at Makanungan. Tinutukoy rito ang pagpapakasal ng magkapatid na Bugan at Wigan.
a. Haraya
b. Alim
c. Hari sa Bukid
d. Lagda
15) Alin sa mga sumusunod ay isang epiko ng mga Ifugao.
a. Ibalon at Aslon
b. Hudhud
c. Biag ni Lam-ang
d. Haraya
16) Isang manunulat sa wikang Kastila na may sagisag panulat na Batikuling at nahirang na Makatang Laureado ay si ________.
a. Jesus Balmori
b. N.V.M. Gonzalez
c. Alejandro Abadilla
d. Zulueta de Acosta
17) Ang kauna-unahang nobelang sinulat ng isang Pilipino gamit ang wikang Ingles ay ang _________.
a. The Wound and Stars
b. A Child of Sorrow
c. Like the Molave
d. A Vision of Beauty
18) "Nagtaksil si Adrian." Ibigay ang ayos ng pangungusap na ito.
a. payak
b. tambalan
c. karaniwan
d. di-karaniwan
19) Ito ay ang pag-aaral ng makabuluhang tunog ng isang wika.
a. Ponolohiya
b. Morpolohiya
c. Sintaks
d. Palabuuan
20) Sino ang may-akda ng nobelang Banaag at Sikat?
a. Jose dela Cruz
b. Lope K. Santos
c. Jose Corazon de Jesus
d. Emilio Jacinto
21) Isang Pilipinong manunulat na may sagisag-panulat na Dimas-ilaw ay si ________.
a. Jose dela Cruz
b. Antonio Luna
c. Jose Corazon de Jesus
d. Emilio Jacinto
22) Sino ang tinagurian na "Utak ng Himagsikan"?
a. Emilio Jacinto
b. Antonio Luna
c. Jose Corazon de Jesus
d. Apolinario Mabini
23) Isang tanyag na Pilipinong manunulat na may sagisag-panulat na "Agapito Bagumbayan."
a. Graciano Lopez Jaena
b. N.V.M. Gonzalez
c. Andres Bonifacio
d. Marcelo H. del Pilar
24) Isang awiting bayan na tungkol sa pakikipagkaibigan ay ang ________.
a. Sambotani
b. Salagintok
c. Daeleng
d. Oyayi
25) Sino si Dolores Manapat?
a. Graciano Lopez Jaena
b. N.V.M. Gonzalez
c. Andres Bonifacio
d. Marcelo H. del Pilar
26) Isang tulang maromansa na kung saan ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural at kaya naman ito ay hindi kapani-paniwala.
a. oda
b. korido
c. soneto
d. elehiya
27) Isang manunulat sa panahon ng mga Amerikano na naging tanyag sa kanyang tulang "Ang Guryon." Sino ito?
a. Ildefonso Santos
b. Amado Hernandez
c. Alejandro Abadilla
d. Teodor Gener
28) Siya ang "Ama ng Maikling Kwento sa Pilipinas."
a. Jose Garcia Villa
b. Deogracias Rosario
c. Aurelio Tolentino
d. Zulueta de Acosta
29) Isang dula na sumikat nang humina ang zarzuela sa Pilipinas ay ang ________. Ito ay tinatawag ding stage show sa Ingles.
a. bodapil
b. duplo
c. koaragatan
d. korido
30) Ang may-akda ng "Kahapon, Ngayon ay Bukas" ay si _______.
a. Aurelio Tolentino
b. Juan Abad
c. Alejandro Abadilla
d. Severino Reyes
31) Ang mga sumusunod ay mga nobela ni Lualhati Bautista MALIBAN sa ________.
a. Dekada '70
b. Satanas sa Lupa
c. Gapo
d. Bulaklak ng City Jail
32) Handa nang lumisan ang taon "amoy lupa" nang malaman niyang nasa maayos na nakalagayan ang mga anak nito. Ang pariralang "amoy lupa" ay nagsasaad ng anong antas ng wika?
a. kolokyal
b. pambansa
c. balbal
d. pampanitikan
33) Siya ang may-akda ng dulang ang "Dalagang Bukid".
a. Hermogenes Ilagan
b. N.V.M. Gonzalez
c. Alejandro Abadilla
d. Patricio Mariano
34) Sino ang may-akda ng Fray Botod?
a. Jose Garcia Villa
b. Graciano Lopez Jaena
c. Marcelo del Pilar
d. Jose Rizal
35) Isang awiting bayan na tungkol sa paglilibing ang ________.
a. umbay
b. kundiman
c. sambotani
d. soliranin
36) "Ikaw ay may pusong bato." Ibigay ang ayos ng pangungusap na ito.
a. payak
b. tambalan
c. karaniwan
d. di-karaniwan
37) "Hindi ko kaya ang mabuhay sa mundo kung mawala ka sa piling ko." Ang nasa itaas ay halimbawa ng anong uri ng tayutay?
a. Pagtutulad
b. Pagmamalabis
c. Pagwawangis
d. Pagsasatao
38) Si Janeth Napoles ay naglulubid ng buhangiin. Ang pariralang "naglulubid ng hangin" ay nagsasaad ng anong antas ng wika?
a. kolokyal
b. pambansa
c. balbal
d. pampanitikan
39) Ang Alibata ay hangi sa alpabetong Arabo na "alif-ba-ta". Ito ay may 17 na titik: 3 patinig at 14 na katinig. Ano ang ibang tawag sa alibata? a. Baybayin
b. Cuneiform
c. Diona
d. Abecedario
40) Sino si Herninia dela Riva sa tunay na buhay?
a. Ildefonso Santos
b. Amado Hernandez
c. Alejandro Abadilla
d. Teodor Gener
41) Alin sa mga sumusunod na akda ni Aurelio Tolentino ang siyang naging sanhi ng kanyang pagkakulong?
a. Luhang Tagalog
b. Kahapon, Ngayon at Bukas
c. Bagong Kristo
d. Manood Kayo
42) Ano ang pamagat ng ating pambansang awit?
a. Bayang Magiliw
b. Perlas ng Silanganan
c. Alab ng Puso
d. Lupang Hinirang
43) "Kumakain ng prutas si Eric." Ibigay ang pokus ng pandiwa na nasa pangungusap.
a. ganapan
b. sanhi
c. tagaganap
d. tagatanggap
44) "Pinagbakasyunan nina Lenlen at Tonton ang Palawan." Ano ang pokus ng pandiwa na nasa pangungusap?
a. ganapan
b. sanhi
c. tagaganap
d. tagatanggap
45) "Ipinagluto ng kanyang asawa si Jerry." Ano ang pokus ng pandiwa na nasa pangungusap?
a. ganapan
b. sanhi
c. tagaganap
d. tagatanggap
46) "Naligo na sa hamog ng gabi ang mga bulaklak." Ang nasa itaas ay halimbawa ng anong uri ng tayutay?
a. Pagpapalit-tawag
b. Pagmamalabis
c. Pag-uuyam
d. Pagsasatao
47) Sa tulang ito pinahalgahan ni Jose Rizal ang mga kabataang Pilipino.
a. Sa Aking mga Kababata
b. Mi Ultimo Adios
c. Filipino Dentro de Cien AƱos
d. A La Juventud Filipina
48) Kailan ipinanganak si Jose Rizal?
a. June 19, 1861
b. June 19, 1863
c. June 19, 1865
d. June 19, 1867
49) Ano ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal?
a. Jose Protasio Rizal Realonda y Mercado Alonso
b. Jose Protasio Rizal Alonso y Mercado Realonda
c. Jose Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda
d. Jose Protasio Rizal y Mercado Alonso Realonda
50) Sa ________ ng gabi gaganapin ang pulong sa mga manunulat.
a. Ika-walo
b. Ika-8
c. Ika 8
d. Ikawala
FILIPINO (3) ANSWERS:
1. A
2. B
3. D
4. D
5. C
6. A
7. B
8. D
9. A
10. C
11. B
12. C
13. D
14. B
15. B
16. A
17. B
18. C
19. B
20. B
21. D
22. D
23. C
24. B
25. D
26. B
27. A
28. B
29. B
30. A
31. B
32. D
33. A
34. B
35. A
36. D
37. B
38. D
39. A
40. B
41. B
42. D
43. C
44. A
45. D
46. D
47. D
48. A
49. C
50. B
Comments
Post a Comment