GEN ED DRILL - FILIPINO (WITH KTC)
1. Itinatag niya ang "Compaña Ilagan" na nagtanghal ng maraming dula sa Kalagitnaang Luson
at kinilala sa bansag na Ka Muhing.
A. Aurelio Tolentino
B. Hermogenes Ilagan
C. Severino Reyes
D. Juan Abad
2. Si Ka Amado Hernandez ay pinarangalang National Artist at kilala sa taguring_________.
A. Makata ng Manggagawa
B. Ama ng Dulang Tagalog
C. Huseng Batute
D. Don Aton
3. Ito ay isang dula na nanunuya sa mga Pilipinong mahilig sa anumang bagay na dayuhan kahit
na ang sarili ay may kakayahang kapantay o mahigit pa.
A. Tatlong Bituin
B. Bagong Fausto
C. Cablegrama Fatal
D. Opera Italiana
4. Noong 1899, sino ang kasama ni Emilio Reyes na nagtatag ng pahayagang Republicana
Tagalog?
A. Patricio Mariano
B. Leon Ignacio
C. Juan Abad
D. Pantaleon Lopez
5. Piliin ang salitang wasto ang baybay.
A. pambukid
B. pam-bukid
C. panbukid
D. pangbukid
6. Nabasa ko sa kanyang mukha ang isang kaloobang may sugat. Ibigay ang pinakaangkop na
kahulugan ng mga salitang "kaloobang may sugat".
A. Damdaming nagagalit
B. Damdaming naghihinakit
C. Damdaming may sakit
D. Damdaming naghahanap
7. "Ang lubid ay nalalagot kung saang dako marupok" ay nangamgahulugang:
A. Ang taong sensitibo ay laging nasasaktan.
B. Ang iyong kahinaan ang magdadala sa iyo sa kapahamakan.
C. Ang taong marupok ay nagpapadala sa mga sabi-sabi.
D. Hindi dapat magtiwala sa taong marupok.
8. Siya ay tinaguriang Ama ng Panulaan Pampango.
A. Juan Crisostomo Sotto
B. Pedro Paterno
C. Jose Ma. Rivera
D. Patricio Mariano
9. "Kung sa iyong pagdating ay may pakitang giliw, pakaingatan mo't kaaway mong lihim". Ito'y
nangangahulugang: A. Mag-ingat sa taong nakangiti sa iyong harapan ngunit naninira sa iyong
likod.
B. Mag-ingat sa iyong kaaway.
C. Iwasan ang mga taong laging nakangiti sa iyo.
D. Mag-ingat sa mga taong masyadong palakaibigan.
10. Sino ang nagsalin sa Tagalog ng akda ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo?
A. Juan Abad
B. Patricio Mariano
C. Pascual Poblete
D. Pantaleon Lopez
11. Ito'y ginagamit ng mga bagong guro at mga gurong mag-aaral. Ginagamit din ito ng nga
datihab nang guro kapag naatasang magpakitang guro. Sa ganitong anyo ng banghay nakatala
pati ang tanonh ng guro at ang inaasahang dapat na sagot ng mga mag-aaral.
A. Mala-masusing banghay ng pagtuturo
B. Maikling banghay ng pagtuturo
C. Masusing banghay ng pagtuturo
D. Lahat ng nabanggit
12. Ito'y isang sining ng pagpapahayag sa pamamaraang mabisa, maganda at kaakit-akit maging
pasalita o pasulat. A. Retorika
B. Ponemiko
C. Ponolohiya
D. Morpolohiya
13. Ito ay isa sa Proseso sa Pakikinig na kung saan kapag may nadinig ang isang tagapakinih,
maaaring may maalala siyang dating kaalaman na maiuugnay niya sa napakinggan at ito ang
magiging patnubay niya upang hulaan ang uri ng impormasyong maaari niyang mapakinggan.
A. Pagdinig vs. Pakikinig
B. Prosesong Top-Down
C. Prosesong Bottom-Up
D. Aktibong Proseso ng Pakikinig
14. Tala, Diary, Dyornal, Dayalog, Liham, Mensahe, Pagbati at Talambuhay ay iilan lamang sa
halimbawa ng anung uri ng sulatin?
A. Transaksyunal na Sulatin
B. Personal na Sulatin
C. Malikhaing Sulatin
D. Lahat ng nabanggit
15. Hamog ka at ako'y di mapansin Nag-aabuloy din ng ganda sa mundo
A. Personipikasyon
B. Patulad o simile
C. Eksaherasyon
D. Pawangis o metapora
16. Bukas tayo _________ ng talaba.
A. mangngunguha
B. makukuha
C. mangkukuha
D. mangunguha
17. Kung ___________ iyo ang liham, bakit hindi mo kunin sa Post Office?
A. alinsunod sa
B. batay sa
C. para sa
D. naaayon sa
18. Isang kilusang umusbong sa larangan ng sining noong siglo 1900. Layunin nitong ipakita ang
karanasan ng tao at lipunan sa isang makatotohanang pamamaraan.
A. Realismo
B. Marxismo
C. Feminismo
D. Klasismo
19. Ito'y pandulang pagtatanghal ng isang akdanh pampanitikan na ginagamitan ng maramihang
tinig na pinag-isa sa pagbigkas kung di man pinag-ugma sa masining na paraan.
A. Sining ng Sabayang Pagbigkas
B. Sining ng Pagtatalo o Debate
C. Sining ng Pagmomonologo
D. Sining ng Chamber Theater
20. Pagbibigay kahulugan sa isang akdang tuluyan sa pamamagitan ng masining na
pagsasalaysay at madulang pagtatanghal.
A. Sining ng Balagtasan
B. Sining ng Pagsasatao
C. Sining ng pagmomonologo
D. Sining ng Chamber Theater
SAGOT:
1. B
2. A
3. D
4. C
5. A
6. B
7.B
8. A
9. A
10. B
11. C
12. A
13. B
14. B
15. D
16. D
17. C
18. A
19. A
20. B
Comments
Post a Comment