PAGLIKHA NG TULANG DIAMANTE
Ang TULANG DIAMANTE ay binubuo ng pitong (7) linya ng mga salita na isinaayos na parang diamante.
Narito ang format sa pagbuo nito:
a. Ang tulang diamante ay may pitong linya.
b. Ang una at huling linya ay isang salita.
Ang ikalawa at ika-anim na linya ay binubuo ng dalawang salita.
Ang ikatlo at ikalima na linya ay binubuo ng tatlong salita.
Ang ika-apat ng linya ay binubuo ng apat (4) na salita.
c. Ang una, ikaapat at ikapitong linya ay pangngalan (noun).
Ang ikalawa at ikaanim ay pang-uri (adjectives).
Ang ikatlo at ikalima naman ay pandiwa (verb).
HALIMBAWA:
Noun
Adjectives, Adjectives
Verb, Verb, Verb
Noun, Noun, Noun, Noun
Verb, Verb, Verb
Adjectives, Adjectives
Noun
Sarili
Mag-isa, Malungkot
Nagdurusa, Lumuhuha, Nagluluksa
Kuwarto, Bintana, Pasyalan, Eskuwela
Nagpapanggap, Ngumingiti, Tumatawa
Matatag, Maligaya
Ako
Mula kay: Binibining Diane
Comments
Post a Comment