Posts

Showing posts from January, 2022

ANG TABO- SOSLIT

 Ang Tabo ni Nena Bondoc Ocampo Mula sa Ani: Panitikan ng Kahirapan, 6 Ang mga Hudyo, lalo na ang mga Pariseo, ay hindi kumakain hangga't hindi nakapaghuhugas ng kamay ayon sa mga turong minana nila sa kanilang mga ninuno. Marcos 7:3 Hindi ko matandaan noong araw kung ako ay naghuhugas ng kamay bago kumain. Kung naghuhugas man, malamng sa magbabanlw lang kami ng kamay, tapos, iwiwisik ang mga dliri o kaya'y pupunasan sa laylayan ng damit. O kaya'y magpupunas sa basahang nakasabit sa gilid ng banggera. Pero alam kong hindi kami nagsasabon dahil sayang ang sabon. Kung gusto mo'y makisabon ka ng kamay kung may sabong panlabang maliit na. Pero, 'yong sabong mabango ay nakataas sa lalagyan ng Colgate na makakagalitan ka pag madalas ang gamit. Pero ang isang tandang-tanda ko, kasama sa paghahain namin sa mahabang lamesa ang tabo. Tabo??!! Oo, tabo. 'Yong tabong lata na dating lalagyan ng pineapple juice o ng iba pang de-latang masarap, na dahil nga sa sarap ng laman a...