PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

 PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

FIL 102



Layunin: 

  1. Naibibigay ang pagkakaiba ng teoryang iskema at interaktibo.

  2. Natatalakay ang prosesong bottom-up at top-down.

  3. Naipapaliwanag ang iba’t ibang yugto ng pagbasa.



  1. ANG MGA TEORYA NG PAGBASA

        Ang teorya ay binubuo ng mga pananaw ukol sa mundo. Tinatangka nitong lpaliwanag o iugnay ang kaalaman ukol sa mundo sa makabuluhang pamamaraan. Ang mga teorya sa pagbasa ay binubuo ng mga pananaw ukol sa pagbasa. Ang mga teoryang ito ay nagtatangkang ipaliwanag ang mga proseso at salik na kasangkot at may kaugnayan sa rnga gawain at proseso na nararanasan sa akto ng pagbasa.

       Bakit mahalaga ang mga teoryang ito? Una, ang isang teorya ay

nagbibigay ng pagpapahalaga sa mga ideya kung aling desisyon ang maaaring maisakatuparan. Ikalawa, ang mga teorya sa pagbasa ay maaaring makapagbigay ng basehan sa pananaliksik. Dahil ang teorya ay binubuo ng mga pananaw, ito ay binubuo ng mga ispekulasyon o haypotesis na nagbibigay ng basehan para sa mga tanong na maaaring saliksikin. Mula sa mga sinaliksik na mahahalagang tanong, ang kaalaman ukol sa pagbasa ay natatarno. Narito ang ilang teorya sa pagbasa. 




ANG TEORYANG ISKEMA

   Bawat tao ay may kani-kanyang interpretasyon sa kanilang mundong glnagalawan at ito ay nakabatay sa sarili nilang pag-iisip at mga karanasan. lto ang tinatawag na iskema. Ang kanyang interpretasyon sa mundo ay umuunlad at nagbabago batay sa mga impormasyong kanyang nakukuha araw-araw. Samakatwid, ang pang-unawa ng isang tao sa kanyang namamasid o naririnig o kaya naman ay nababasa ay maaaring batay sa kanyang dating kaalaman (prior o background knowledge) o iskema na galing sa kanyang mga karanasan.


   Halimbawa na lamang sa panonood ng makabagbag damdaming pelikula. Bakit may kaagad naaapekruhan ng isang eksena at may manonood na hindi naman naaapekruhan? Sabi nga, naka-relate siya kaagad. Bakit? Dahil sa kanyang lskema.


     Ang teoryang iskema ay dinebelop ni R. C. Anderson, isang respetadong educational psychologist ngunit ang terminong iskema ay unang ginamit nl Piaget noong 1926 at ang kahulugan ay pinalawak naman ni Anderson. Ayon kina Barlett, 1932 at Rumelhart, 1980, ang ginagarnpanan ng dating kaalaman sa pag-unawa ang pangunahing batayan ng teoryang iskema. At katulad ng nabanggit sa itaas, ang iskema ay patuloy na nadaragdagan, nalilinang, napauunlad at nagbabago (Pearson at Spiro, 1982). Tingnan ang dayagram.



Pinatutunayan sa dayagram na bawat impormasyon ay napaparagdag sa dati nang iskema. Sa kasalukuyang pananaw sa pagbasa, bago pa man basahln ang teksto, ang rnambabasa ay may ideya na sa nilalaman nito batay sa taglay niyang iskema sa paksa. Binabasa niya ang teksto upang patunayan kung ang kanyang hinuha o hula ay tama, may kulang o dapat baguhin. Dahil sa ganitong kalagayan, masasabi na ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng pagbuo ng kahulugan. 

 


ANG TEORYANG INTERAKTIBO

     Sa teoryang ito tinatanaw na ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ginagarnit ng mambabasa ang kanyang kaalaman sa wika at sariling konsepto o kalsipan. Dito nagaganap ang lnteraksyon ng mambabasa at ng awtor. Ayon kay Widdowson (1979), ang pagbasa ay isang proseso ng pag-uugnay ng tekstwal na imponnasyon sa impormasyong naibibigay ng mambabasa sa teksto. At ayon kay Stanovich (1984), ang pagbasa ay kinasasangkutan ng maraming bilang ng interaksyon sa teksto. Ang pagkakaroon ng patuloy na karanasan sa mga nakasulat na teksto ay hahantong sa otomatik na pagkilala sa mga salita at ito ay magsisilbing daan upang ang mambabasa ay magbigay ng atensyon sa kahulugan. Sa gayon, lutang na lutang ang interaksyong nagaganap sa pagitan ng mambabasa at sa tekstong binabasa. Sa teoryang interaktibo, ang pang-unawa ng mambabasa sa pagbasa ay bilang communicative activity at ang mga kasanayan sa pagbasa ay parehong mahalaga (Browne, 1998:9).


     Ayon naman sa aklat nina Heilman, A. et al. (2002:9), ang teoryang ito ay tuwirang may kaugnayan sa teoryang lskema na nagsasabing ang pagbabasa ay isang aktibong proseso at upang maunawaan ang teksto, ang mambabasa ay naklkipag-interact sa maraming salik na may kaugnayan sa sarili, sa tekstong binabasa, at sa konteksto na lumilitaw sa pagbasa. Tingnan ang ilustrasyon sa ibaba. 



      Sa gitna ng interactive theory (Rumelhart, 1985) ay ang paggamit ng

mambabasa ng dating kaalaman at iba't ibang estratehiya sa pagbasa upang makipag-interak sa teksto. Dahil dito, ang marnbabasa ay isang aktibong kalahok na nakikipag-interak sa teksto sa parnamagitan ng pag-aaplay ng mga ispesipikong estratehiya upang makabuo ng kahulugan.

      Sa aklat nina Burns, P. et al. (1999: I 7), sinasabing ang teoryang interaktibo ay proseso ng pagbasa na nagpapakilala sa pagbasa bHang komblnasyon ng dalawang uri ng pagpoproseso - top-down (nababatay sa mambabasa) at bottom-up (nababatay sa teksto) - sa patuloy na interaksyon. Tingnan ang mga ilustrasyon na nakuha sa aklat nina Barchers, S. ( 1998: 15-19). 


















    Sa top-down na pagpoproseso, ang gawaing pagbasa ay nagsisimula sa mambabasa na bumubuo ng mga haypoteses o prediksyon hinggil sa materyal. gamit ang mga visual cues na nasa rnateryal upang rnalarnan kung ang mga ito ay kailangan (Walberg, Hare, at Pulliam, 1981). Samantala, sa bottom-up na pagpoproseso, ang pag-unawa ay nagsisirnula sa pagkilala sa mga letra patungo sa pagbasa sa mga salita, pangungusap at tal at a hanggang sa kabuuan ng teksto upang magkaroon ng komprehensyon. 








Samakatwid, kung ang teoryang interaktibo ay kombinasyon ng top-down at bottom-up na mga teorya sa pagbasa, ganito ang ilustrasyon na mabubuo sa teoryang interaktibo. Samodelong interaktibo, magkaagapay ang pagpoproseso ng impormasyon na nakasulat at sa impormasyon mula sa dating nalalaman. Ang pagkilala at kornprehensyon sa mga nakasulat na salita at ideya ay resulta ng paggamit ng parehong uri ng imponnasyon (Gove, 1983).




  1. YUGTO NG PAGBASA


Kakikitaan sa yugtong ito ng unti-unting pagbabago mula sa hindi pa manurong bumasa hanggang sa makakilala at makabasa na siya ng mga nakalimbag na teksto.


Ang kahandaan sa pagbasa ay depende sa:

  1. Kapaligirang nilakhan ng bata

  2. Pagkakalantad niya sa iba’t ibang babasahin

  3. Mayamang karanasan niya araw-araw


YUGTO NG PANIMULANG PAGBASA


 Sa yugtong ito nagsisimula ang bata sa pormal na pagbabasa. Natututo ang bata sa pagkilala sa salita at mga simbolo, pag-alam sa kahulugan ng salita, parirala at pangungusap.


YUGTO NG DEBELOPMENT NA PAGBASA

Ito ay ang yugto ng pagbasa na nagpapatibay at nagpapalawak ng mga kasanayan sa pagbasa, pagpapahalagang natamo, pagdebelop ng mga bagong kasanayan, pagpapahalaga sa kakailanganin sa pag-unawa at pagkalugod sa mga nakasulat sa teksto. Ito ang yugto kung saan nalilinang ang kasanayan sa mabilis na pagbasa at pag-unawa sa binabasa. 


YUGTO NG MALAWAKANG PAGBASA

Ito ang panahon ng pagpapaunlad ng mga kasanayan sa pagbasa. Ito ay pagtuklas ng lalong marami at malawak na impormasyon, mga kaisipan, pagpapakahulugan, o interpretasyon, Dito patuloy na nalilinang ang iba’t ibang kasanayan gaya ng komprehensyon, organisasyon, talasalitaan, at interpretasyon.




C. METAKOGNITIBONG PAGBASA


Ang metakognitibong pagbasa ay isang istratehiya sa pagkatuto kasama ng kognitibo at sosyo-apektibo. Sa metakognitibong pagbasa, ang mambabasa ay nagkaroon na nang malalim na pang-unawa sa pagbasa. Dito ang mambabasa ay marunong nang gumawa ng kanyang sariling istilo at maparaan na ang kanyang pagbabasa, gaya ng pagbabalak, pagsubaybay at pagpapahalaga na maaaring samahan ng mga malikhaig gawain. 


Ayon kina Jocson et al., 2003, sa metakognitibong pagbasa, nagiging mapamaraan ang mambabasa tulad ng: 


  1. Nakapag-uugnay ng dating kaalaman sa bagong impormasyong nabasa.

  2. Nakasusubaybay sa pag-unawa habang nagbabasa.

  3. Gumagawa ng kaukulang aksyong panlunas sa mga bahaging hindi maunawaan.

  4. Nakapipili ng mahalagang ideya sa tekstong binabasa ng mambabasa.

  5. Nakapagbubuod ng mga impormasyong binasa.

  6. Patuloy na nakapagbibigay-hinuha bago bumasa, habang bumabasa at pagkatapos bumasa.

  7. Nakabubuo ng tanong tungkol sa paksang binasa.







Comments

Popular posts from this blog

GENERAL EDUCATION - TEST DRILL

FREE PROF ED LET REVIEWER