Anotasyon ni Rizal sa Sucesos de las Islas Filipinas ni Antonio de Morga

 Mga Anotasyon ni Rizal sa Sucesos de las Islas Filipinas ni Antonio de Morga

A. Ang Sucesose de las Islas Filipinas at si Antonio de Morga 

The greatness of the monarchy of the Spanish kings is due to the zeal and care with which they have defended, within their own hereditary kingdoms, the holy Catholic faith taught by the Roman church, against all enemies who oppose it, or seek by various errors to obscure its truth which the kings have disseminated throughout the world…

- Antonio de Morga


Isa sa mga unang libro tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas, Sucesos de las Islas Filipinas, ay sinulat ni Antonio de Morga. Ito ay isang sanaysay na nagpahiwatig ng mga pangyayari sa loob at labas ng bansa mula 1493 hanggang 1603, at sa kasaysayan ng Pilipinas mabuhat 1565. Ang sulatin ni Morga ay importante sapagkat siya ay isang royal official ng Espanya, isang keen observer, at kasama sa mga pangyayari sa bansa. Ang sakop ng librong ito ay ang pulitikal, sosyal, at ekonomikal na aspeto ng mga mananakop at sinasasakop. Kasama na rin ang mga praktikal na pang-araw araw ng mga gawain sa mga isla, polisiya ng gobyerno, at mga kalakasan at kahinaan nito.

Ang una hanggang pitong kabanata ay tungkol sa mga nahanap, nasakop, at iba pang nangyari sa bansa at sa mga kalapit na bansa hanggang sa administrasyon at sa pagkamatay ni Don Pedro Acuña. Inihati ang mga kabanata ayon sa iba’t ibang Español na namahala sa voyage ng Espanya at pati na sa bansa, tulad nila Legazpi, de Lavezaris, de Sande, de Pefialosa, de Vera, Dasmariñas, Tello at iba pa. Ang ika-walong kabanata ay tungkol sa mga natives, gobyerno, conversions, at mga iba pang nangyari sa bansa na nakatuon sa mga Pilipino.


B. Ang Anotasyons sa Sucesos de las Islas Filipinas at si Jose Rizal

Taong 1890 nang inilabas ni Jose Rizal ang anotasyons sa libro ni Antonio de Morga. Sa panahong iyon ay nakapunta na siya sa iba’t ibang parte ng mundo, tulad ng Espany, Fransya, Germany, Czechoslovakia, Austria, Switzerland, Italy, China, Hong Kong, Japan, Esatdos Unidos, at Englatera. Nakakapagsalita na rin siya Spanish, French, German, Italian, Japanese and English.

Sa kanyang paglalakbay ay pinagbuti niya ang pag-aaral sa kasaysayan, kultura ng Pilipinas, at sa pananalita ng wikang Pilipino. Binigyan niya ng malaking importansya ang pambansang wika sapagkat alam niya na ito ang salapi ng isang bayan upang maintindihan at makilala ang pinanggalingan at makita ang paroroonan. Kahit na siya ay mas interesado sa sosyal at agham, nakita niya ang mga kailangang sangkap upang magkaroon ng mas maganda at malaganap ang isang bayan. 


Sa paglahad ng anotasyons sa Sucesos de las Islas Filipinas, gusto ni Rizal na mapakita ang kasaysayan ng Pilipinas, hindi lamang sa panahon ng pananakop ng mga Español, pati na ring ang lagay ng Pilipinas bago ito sakupin at ang kalagayan niya sa panahong iyon. Pinili niya ang Sucesos sapagkat naramdaman niyang kailangan ibunyag ang testimonya ng isang Español na sinakop ang kinabukasan ng Pilipinas sa pagpasok sa panibagong yugto ng bansa at pati na rin dahil si de Morga ay saksi sa huling hininga ng ancient nationality. Kasama sa kanyang mga anotaysons ang pagbibgay liwanag sa mga detalye ng libro, ang mga hindi pagsangayon sa mga sinulat ni de Morga, at pati na rin ang mga konpirmasyon sa mga parte ng kasaysayan mula sa ibang sulatin.

To foretell the destiny of a nation, it is necessary to open the books that tell of her past...

-Jose Rizal


C. Pagsusuri

God! Gold! And Glory! Ito ang mga layunin ng Espanya sa pananakop ng Pilipinas. Maraming tinalakay si Rizal sa kanyang anotasyon: ang gobyerno at bansang Espanya, ang Katolikong relihiyon, mga pangalan at lalawigan sa Pilipinas, ang kultura ng Pilipinas, ang mga Pilipino, ang mga Intsik, at ang kasakiman at pananakit ng Espanya.

• God! 

Sa sanaysay ni Morga, ang pagtukoy niya sa Kristyanong relihiyon ay ang Roman Catholic. Ayon sa pananaliksik ni Rizal ay ingat si Morga sa pagtalakay dito sapagkat gusto niyang mapanatili ang pagiging dalisay ng relihiyon.

Hindi kasing lawak ang conversions na nagawa ng mga misyonaryo tulad ng mga sinasabi ng mga Español. Marami pang hindi nasakop ng relihiyon, lalo na sa gawing Mindanao. Ayon kay Rizal, marami pa ring tribo na hindi Kristyano.

Ang propagandang relihiyon ay di mapagkakailang may pulitikal na motibo. Hindi lamang napasailalim ang mga Pilipinong Kristyano sa bagong paniniwala kundi pati na rin sa hari ng Espanya.

Binigyang liwanag ni Rizal ang sinabi ni Morga na walang lugar o probinsya na hindi nag-resist o kaya’y ayaw sa pagpapalit ng relihiyon. Sabi ni Rizal na ito’y totoo sa mga civilized natives ngunit di ito sangayon sa mga tribo na nakatira sa mga bundok. May mga testimonya ang ilan sa mga Dominikano at Augustinian na imposibleng magawa ang kanilang layunin na walang kasamang Pilipino o kaya mga sundalo.

• Gold!

Ang pangalawang layunin ng Espanya sa pananakop ng Pilipinas ay ang ginto. Sinasabi ng Espanya na walang naibigay ang Pilipinas at malaki ang utang na loob ng bansa sa kanya. Ang sagot ni Rizal dito ay, “It may be so, but what about the enormous sum of gold which was taken from the islands in the early years of Spanish rules, of the tributes collected by the encomenderos, of the nine million dollars yearly collected to pay the military, expenses of the employees, diplomatic agents, corporations and the like, charged to the Philippines, with salaries paid out of the Philippine treasury not only for those who come to the Philippines but also for those who leave, to some who never have been and never will be in the islands, as well as to others who have nothing to do with them…”

Ngunit hindi lang ang mga gintong nahuhukay at natatamo sa lupa ang kinuha ng Espanya. Sa mga salita ni Rizal, “Yet all of this is as nothing in comparison with many captives gone, such a great number of soldiers killed in expeditions, islands depopulated, their inhabitants sold as slaves by the Spaniards themselves, the death of industry, demoralization of Filipinos, and so forth, and so forth…”

Di mapagkakaila na marami rin ang naitulong ng Espanya sa Pilipinas, ngunit napakalaking kasawian ang dinanas ng mga Pilipino para lang makamit ng mga Español ang gutom nila sa kayamanan.

• Glory!

Ang ikatlong layunin ng Espanya ay ang pagiging supremo! Maraming nadiskubre ang Espanya mabuhat sa Pilipinas, ngunit sa bansa natin makikita ang tatak ng isang conquistador. Ang una ay ang relihiyon na tinalkay na sa unang bahagi. Ang pangalawa ay ang pagpapalit ng pangalan ng mga lugar na nasakop, tulad ng Cebu na unang pinangalanan na “The village of San Miguel” at ang Bisayas na tinawag na “ land of the Painted People” o “Pintados” sa wikang Espanyol, at pati na mismo ang sariling pangalan ng bansa – Philippines, na hinango sa pangalan ni King Philip ng Esapnya. Ang pangatlo ay ang pagmamaliit sa lugar at taong sinasakupan.

Tinabunan ng mga Espanyol ang galing ng mga Pilipino tulad sa paggawa ng artillery cast na sinabi ni Morga ay gawa ng mga kamay ng mga ancient Filipino bago pa man dumating ang mga Espanyol. Sa sobrang pagnanais ng Espanya na maging at maturing angat sa lahat ay naging mababa ang pagtingin ng Pilipino sa kapwa Pilipino. Hinigop nito ang lakas ng loob, kakayahan, at kagalingan na likas sa mga nasakop. 

Malawak at marami pa ang maaaring masuri sa anotasyons ni Jose Rizal sa Sucesos de las Islas Filipinas. Malaki ang natulong na nagawa sa akin sa pagbasa nito. Marami akong natutunan at mas naintindihan sa kasaysayan ng Pilipinas at pati na rin sa mga naging mananakop. Tunay na magaling at kakaibang manunulat si Rizal. Ang kanyang talino ay higit sa nakararami at tunay na nakakabukas-isip sa isan katauhan.


Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

GENERAL EDUCATION - TEST DRILL