Paglalahad ng Impormasyon at Realidad - Paghahatol at Pagbibigay-Opinyon
Paksa : Paglalahad ng Impormasyon at Realidad Paghahatol at Pagbibigay-Opinyon PANIMULA: Bilang guro sa Filipino at nagtuturo ng panitikan mahalaga na maikintal natin sa isip ng ating mga mag- aaral ang mga mabubuting aral sa bawat akdang itinuturo natin sa kanila . Isa sa mga paraan para maisakatuparan ito ay ang pag-uugnay ng kanilang mga sariling karanasan sa mga pangyayari sa buhay ng mga tauhan sa bawat akdang pampanitikang tinatalakay . Upang malaman ang kaugnayan ng mga pangyayari kailangan humihingi tayo ng opinyon mula sa kanila at malaman natin bilang guro kung paano nila hatulan ang mga desisyon ng mga tauhan o kaya ay sila mismo ang magbigay hatol sa mga pangyayari sa akda . Upang maging mabisa ang pagbibigay-opinyon at pagbibigay-hatol kailangan maturuan natin ang at